na inspire ako dun sa blog ni sweet (john lapuz) sa pep.. i was very busy pero minsan may naiisip akong sabihin sisimulan ko di na matatpos.
meron syang i wish and i want list. ako parati akong may wish list. whether for birthday or christmas madami ako laging gusto.
nung bata pa ko.. nung ako pa lang ang pamangkin ng mga kapatid ng mama ko naalala ko lage na pag mag christmas pinapapili nila ako ng regalo. tipong pinggan-pingganan, cash register or itong pang plantsa na may steam. pipili ako ng isa.. kasi yung iba para naman sa mga inaanak nila. pero pag babalutin na nila i would tell them na akin na lang yun kasi nga e nalaro ko na yung akin at gusto ko ng bago. i know for sure na naiinis sila, but the little brat insist. so wala talaga silang magagawa lalo na pag sinabi ni lolo ibigay nyo na umiiyak na yung bata. nadala ko yata yun hanggang lumaki na. madami akong gusto. pero ngayun malaki na ko (ay mali, matanda na ko) di ko na pwedeng hingin sa mga tito’t tita yung mga bagay na gusto ko. di na pwedeng iyak lang ang katapat.
simple lang naman din yung mga "i wants" ko. something i know i can work on it.
i want to be 90 lbs again, yung tipong xs na malaki paren tapos pag bibili ka ng pants sasabihin mo "smallest size please".. 25! wala kayung 24? - wala lang.. pero dito im size 0 pero short hahaha
i want to learn how to drive.. sa freeway yung tipong naka tapak ka lang sa gas..
i want to study again, masteral or another degree..
i want the nokia N82, kasi may gps navigator daw un.. yun nga lang di naman ako nag dri-drive sa pilipinas nho.. pero sobrang tuwang tuwa ako sa technology na yun di ka mawawala kahit anung disyerto ang daanan mo may signal..ganda.
i want to have my own place. technically i live "alone" (away from parents) now. yun nga lang i share a place with a friend. pero gusto ko yung ako lang talaga mag isa.. ako mag luluto, ako ang may lilinis, ako lang ang masusunod sa lahat ng gagawin ko. gusto ko lang i-try.. mahirap yun pero i’d love to learn.
i want another disneyland tour. kasi naman e, nung last visit ko walang fireworks- azarrr. windy daw kasi at foggy so bali wala daw yun.
i want to go to back to las vegas. — who doesn’t?
i want my wi-fi to finally work. nakakaconnect ako pero ayaw paren mag work nung lintek na safari na yun!
i want to hoard cetaphil and ship it to the p.i. - e ang mahal kasi dun e.
i want to finish all the chocolates on my desk. ayoko na kasi isauli dun sa pantry tska bukas na kasi ehehe..
i want my friends to be happy and contented. yun na.
i want to see amber, armayne, paolo ang boying.. i miss them really bad.
i want to know how to blog better.. alam mo yun nakakainggit yung ibang blog na ang gaganda ng entries.. oh well
i want to have my own babies. minsan naiisip ko sana ako din meron kasi ang cute nila. or minsan sa mga stores may nakikita ako, bigla kong maiisip sana sa anak ko pwede ko tong bilhin. mabibili ko, oo. pero wala naman pa akong anak nyeeek.
sa wish list naman.. simple lang. i wish.. yung america kasing layo lng ng cubao sa bahau para uwian na lang ako. pag nangyare yun masaya ako ng sobra.
ok.
nothing follows.