hindi ko alam kung mababaw ako o ano pero natawa naman ako dito:
Lugar na pinanggalingan: São Paulo,
Brazil
Pagbigkas:
ah-vai-YAH-nas (Brazilian Portuguese) -tama naman pala ako
hah-vee-ah-naz (American English)
OMG!-hAH-va- yaH-naZz!! (Filipino)
Materyal na ginamit: Malupit na goma
(High-quality rubber).
Presyo: Hindi ko alam. Ganito na lang,
1 pares ng Havaianas = 100 pares ng
Spartan.
Mga nagsusuot: Mga konyotik at mga
mayaman.
Malulupit na katangian at kakayahan:
- Masarap isuot.
- "Shock-absorbent "
- Malambot ngunit matibay.
- Makukuha sa sandamakmak na kulay,
disenyo at burloloy.
- Maaaring isuot sa loob ng Starbucks.
- Mainam na pang-japorms.
- Mainam i-terno sa I-Pod at Caramel
Macchiato.
- Mapipilitan kang maglinis ng mga
kuko mo sa paa.
- Maaari ka nang mag-dikwatro sa loob
ng mga pampublikong lugar at sasakyan.
- Magiging "fashionable" ka kapag ikaw
ay nagkukuyakoy.
Olats na mga katangian:
Mahal!
Mahal!
Mahal!
Pangalan: Spartan
Lugar na Pinanggalingan: Metro Manila,
Philippines
Pagbigkas:
spar-tan (American English),
is-par-tan (Filipino).
Materyal na ginamit: Pipitsuging goma
(Low-quality rubber).
Presyo: Wala pang 50 pesos.
Isang pares ng Spartan = 20 piraso ng
pan de coco.
Mga nagsusuot: Ako at ang masa!
Nyahaha!
Malulupit na katangian at kakayahan:
- Maaring ipampatay sa ipis.
- Maaring ipampalo sa mga batang — tama tama
suwail at damuho.
- Pwedeng ipanglusong sa baha at
putikan.
- Pwedeng ipamalengke.
- Mainam gamitin sa tumbang-preso.
- Mainam gawing "shield" kapag
naglalaro ng espa-espadahan. — nakakatawa yung word na shield sa phrase nya
- Mainam isuot sa siko bilang
proteksyon habang naglalaro ng piko.
- Mainam na pambato sa picha o
shuttlecock na sumabit sa puno.
- Mainam na pangkulob sa pumuputok na
watusi. — nostalgia baby
- Kapag ginupit-gupit nang
pahugis "cube," e maaari mo nang
gawing pamato sa larong Bingo na
kadalasang makikita sa mga lamay ng
patay).
Olats na mga katangian:
* Madaling magkawalaan kapag hinubad
dahil halos pare-pareho lang
ang hisura.
* Masakit isuot kapag may mga balahibo
ang mga daliri mo sa paa.
* Minsan kapag ipinambato mo ito sa
picha o shuttlecock na
nakasabit sa puno, e nadadamay pati
yung tsinelas. — onga!